Kung siya yung tipong nagagalit pero andyan pa rin sa tabi mo, totoo yang tao na yan. Yung taong hindi sayo galit, sa ugali o kilos na ginawa mo galit. Ibig sabihin, pinapapahalagahan ka niya. Kung siya yung hindi ka papansinin pero katabi mo lang siya, magpasalamat ka. Kasi kahit galit siya sayo, hindi siya tumigil sa pagpapahalaga dahil hindi ka niya kayang iwan. Galit man, mahal ka pa rin. At yung ikaw pa ang masasaktan kapag nagalit sayo yung taong yun. Huwag mong papakawalan ang taon yun, dahil minsan lang mabuhay ang mga taong ganito. Sila kasi yung nauubos dahil naaabuso.
Kung siya naman yung tipong kahit maliit na bagay napupuna, yung lahat na lang nang bagay ay pinag-awayan ninyo, o yung taong galit na pala sayo pero hindi mo alam, aba eh magdalawang-isip ka. Yung mga tipong sa isang maliit na pagkakamali mo ay iiwan ka na, ang mga taong yan ay hindi mo masasabing nagpahalaga talaga sa iyo. Lalo na kung napakaliit na bagay ay nagalit agad siya. Kabaliktaran ng taong kagaya sa taas, eto yung tipo ng tao na maiinis ka rin kapag nagalit. At kapag tuluyan kang iniwan nito, mapagtatanto mo na hindi pala ganun kalalim yung relasyon niyo para masira lang ng ganun. Mapapaisip ka nalang kung minahal ka ba talaga niya dahil ganun kadali ka niya iniwan.
Ipapaalam ko sa inyo para matuto kayo. Minsan hindi mo talaga kilala ang isang taong akala mo kilala mo na. Kasi mabilis magbago ang tao. Lalo na pag nasaktan ito. Ang taong kayang dalhin ang sarili niyang pighati at kailanman ay hindi ito ipinupwersa sa iba ay dapat hangaan. Ang taong bulag sa damdamin ng iba dahil ang pighati lamang niya ang nakikita niya ay basura.
Lahat ng relasyon ay may limitasyon. Dahil ang tao ay makasarili. Sa huli, ang sarili lamang niyang pighati ang mahalaga. Walang may gustong maging bahagi ng pighati ng iba. Dahil lahat tayo ay may dinaramdam, lahat tayo ay nasasaktan. At dahil sa sakit na yun, nakakasakit din tayo ng iba. Ganito ang tao. Lahat tayo ay walang kwenta.
Pero yung mga taong pinipilit itago ang mga hinagpis nila upang mapasaya ang iba, mga taong kahit may pinapasan na pighati ay papasanin pa rin ang pighati mo, yung mga taong sasamahan ka sa hirap kahit naghihirap din sila, yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga problema nila dahil iniisip nila na swerte pa sila kaysa sa ibang tao, yun ang kahanga-hanga. Kahit na hindi nila lubusang mauunawaan ang pinagdadaanan mo, pipilitin nilang maintindihan yun para lang samahan ka. O kahit hindi kayo magkaunawaan, nadyan parin sa tabi mo. Dahil sila ang nakakaunawa ng totoong pighati, at kailanman hindi nila gugustuhin na maranasan ito ng iba. Hindi nila ito gagawin sa iba dahil alam nila kung paano masaktan. Ito dapat ang mga taong itatago mo sa buhay mo. Wag mo pakakawalan sila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento