"Kaya ka naiiyak kasi mahal mo sila."
"Yun na nga eh. Dahil sobrang minahal ko sila, sila lang din ang makakasakit sa akin ng ganito."
"Bakit di mo i-try ulit na lapitan?"
"Para mapahiya ulit ako? Alam mo at alam ko kung gaano kataas ang pride ko. Tinanggihan na ako eh. Dapat bang habulin ang lumalayo?"
"Hindi naman sila ang nahihirapan eh. Ikaw. So ikaw ang gumawa ng paraan. Wag mo sabihing napapagod ka na."
"Hindi ako pagod. Takot lang ako sa rejection."
"Ikaw ang mature, level-headed, at open-minded. Ikaw ang mas nakakaintindi. Kaya ikaw ang lumapit."
"Lumapit na nga ako eh! Pero ayaw nila. Sumuko na sila sa akin."
"Kaya isusuko mo nalang sila? Akala ko ba mahal mo?"
"Yun na nga. Paano nila ako kayang isuko kung ako nga hindi ko sila maisuko? Minahal ba talaga nila ako?"
"Ikaw lang ang makakasagot niyan."
"Hindi ako. Sila. Haaaay. Ang sakit. Hindi naman sila ang mas nasasaktan habang nagtatagal ito. Kasi hindi naman sila yung mag-isa."
"..."
"Mukhang masaya pa nga sila na wala ako. Ako hindi ako makapag-function ng maayos, wala na akong ibang iniisip kundi sana maayos na ito. Pero sila nakakakain pa. Siguro dahil wala na ako."
"Baka naman kasi ikaw lang talaga ang nagturing sa kanila na kaibigan."
"Sinasadya mo? Masakit na nga eh."
"Eh kasi naman. Kung kaibigan ang turing nila sayo, bakit ganito ang nangyayari ngayon?"
"......"
"Siguro dapat isuko mo na sila."
"....."
"Eh kung nagkakasakitan lang din kayo diba. Pfft, baka ikaw nga lang ang nasasaktan. Kasi sabi mo sila nakakakain pa ng masaya."
"......"
"Forever alone ka na."
"..... Sana wag nilang maranasan mag-isa. Ang sakit eh."
"Bakit ka ba ganyan? Napagod sila diba? Nakakahiya naman sayo pinagod mo sila. It's time na you release them from the stress you brought. You're only making it harder for them and for you."
"Sa tingin mo ba madaling kalimutan yung 3 taong pinagsamahan namin?!"
"Bakit sila nagawa yun?"
"......."
"Tanga ka talaga. Sabi mo sa akin noon hinding-hindi mo na bubuksan ang puso mo sa iba. Yan tuloy, tingnan mo nangyari sayo."
"...... Tama na. Sakit na nga eh."
"Sama kasi ng ugali mo eh."
"Alam ko naman yun eh. Eh pero bakit ganun? Iniwan nila ako dahil mayroon silang hindi nagustuhang ugali sa akin? Eh bakit ako hindi ko naman sila iniwan kahit na may hindi ako nagustuhang ugali sa kanila?"
"Hindi sila ikaw. Magkaiba kayo. Kaya siguro, di kayo meant-to-be."
"......."
"Sige iyak lang. Pilitin mong ilabas. Alam kong nahihirapan kang ilabas ang feelings mo."
"Kahit naman ilabas ko ang feelings ko, may mangyayari ba? Wala pa rin akong kaibigan."
"Haaaay!!"
".............."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento